Friday, May 10, 2013

PHILIPPINE HEROES (with my Pseudonym ~ Juli)


Today marks the 116th Death Anniversary of El Supremo, Gat Andres Bonifacio.

Supremo ng aming PUso




..

Sa Paglipas ng panahong madugo

ng pagsisikhay mo na ang bayan ay mahango

sa lupit ng kaaway na nangatatayo

sa bawat sulok ng bayang kanilang dinudungo.

...


Ay narito kaming inaalala ka ngayon

na ang dugo mong dumanak sa bundok ng Magpatong

ay sumisigaw ng katarungang ipinagkait hanggang ngayon

Pagkalipas ng isang siglo't labing anim na taon.

...


Kaluluwa mong naghihintay ng tunay na paghatol

at ng balanseng timbangan sa harap ng Panginoon

pasasaan ba't ang tunay na pangyayari ng nagdaang panahon

ay mabibigyang hustisya rin at maiaahon sa balon.

...


Mga monumento mong itinayo sa mga panulukang bayan

mga bulaklak at salitang mabulaklak ay nangagdadagsaan

Alalahaning pilit ang bayaning hinamak ng tuluyan

ng hanggang ngayon ay humahalhak pa rin na mga halimaw.

...


Panahon nalang ang makapagsasabi aming Supremo

maiibibigay din ang tunay na putong na para sa iyo

putong ng kadakilaan at ng mababang loob at puso

na pinagsiklab ng pang aapi ng palamara't mga lilo!

-graphic arts by Admin Juli
-shared by Admin Huse et.al
Unlike ·  · Share

No comments:

Post a Comment